HUGOT RECIPE

By: Marrine V. Suazo
PASKONG PINOY

Pasko na naman o kay tulin ng araw… Onga naman sa sobrang busy na ng buhay natin sa mundo di na natin namamalayan ang mga oras at araw. Pasko na naman at syempre tayong mga Pinoy papahuli pa ba sa paghahanda? Sabi nga nila ang Paskong Pinoy ang pinaka-masaya sa buong mundo, makikita mo sa bawat bahay ang mga palamuti at iba’t ibang kulay ng ilaw, mga nanga-ngaroling sa bahay-bahay at syempre ang mga masasarap at talaga namang nagdadamihang pagkain. Gusto kong ibahagi sa inyo ang isang putaheng Tatak Pinoy na talaga namang kahit saang okasyon eh patok na patok…ang “Pancit Malabon with a Twist”, na mas lalong pinasarap dahil hinaluan ng wagas na pag-ibig. May kasabihan nga tayo na kung ikaw ay “Single” at malamig ang pasko… aba’y kumain nalang ng mainit na pancit upang Pasko ay di na muling lumamig.
69898579_648ffdb61e_b
Image from: flickr

Pinasarap na Pancit Malabon
MGA SANGKAP

  • 1 lb noodles or Pancit Malabon Noodles
  • ½ lb karne ng baboy, pinakuluan at hiwain into cubes
  • ½ cup atsuete binabad sa ½ cup na tubig
  • ¾ cup katas ng hipon
  • 3 tablespoons patis
  • ½ teaspoon pamintang durog
  • 1 tablespoon bawang, minced
  • 1 medium-sized sibuyas, minced
  • ¼ cup chicharon durog
  • ½ lb luto at binalatang hipon, hiwain ng pahaba
  • ¼ lb adobong pusit, sliced
  • ½ cup chicharon durog
  • 1 cup repolyo o pechay baguio, chopped then blanched
  • 1 piece calamansi
  • ¾ cup tinapa flakes
  • 3 pirasong hard boiled na itlog, sliced
  • 1 tablespoon parsley, tinadtad
  • 2 tablespoons toasted na bawang

 

PARAAN NG PAGLULUTO

1. Lutuin ang noodles ng naayon sa instructions. Sundin ang instructions para di magkamali. Kagaya ng kamalian mong siya ang minahal mo at hindi ako. Kung ang noodles na gamit ay Pancit Malabon noodles kinakailangan itong ibabad overnight. Oo kailangan overnight, overnight lang ang taning mo sa pag-iyak at paglalasing mo sa pag-iwan niya sayo ha.

2. Umpisahan mo ng gawin ang sauce at umpisahan mo na ring mag-move on. Mag-gisa ng bawang at sibuyas parang nung ginigisa mo siyang tanungin kung totoo mga hinala mo. Yung tipong magmamantika na siya sa mga tanong at rebelasyon mo.

3. Idagdag ang hiniwa-hiwang karne, yan ang nadarama ko sa tuwing nakikita kong magkasama kayo parang hinihiwa ang puso ko. Pakuluan ng mga 3 minuto…yung ginisang karne ha huwag ang sarili. Kung gusto mo din syang pakuluan ng buhay ako na gagawa para sayo.

4. Lagyan ng patis at paminta. Pag kulang pa sa alat dagdag mo na din luha mo maalat din yun. Pag wala ka namang makitang paminta try mo yung kapitbahay nyong instructor sa gym, paminta yun.

5. Ihalo ang katas ng hipon at atsuete. Oo mukhang HIPON yung ex mo na patay na patay ka ewan ko ba sayo!

6. Ilagay ang dinikdik na chicharon at haluin kagaya ng pagdikdik mo sa puso kong walang ibang ginawa kundi intindihin at mahalin ka.

7. Pakuluan ng 2 to 3 minutes. Patayin ang apoy. Kung pwede ko nga lang din sanang pahupain ang apoy ng galit ko sayo dahil sa katangahan mo.

8. Ilagay sa bowl o sisidlan ang lutong noodles at lagyan ng sauce. Ibudbud ang tinapa flakes, itlog, parsley, bawang at repolyo sa ibabaw. Damihan mo kase marami ka naman talagang options, wag kang tanga kase tumingin ka sa palagid mo malay mo yung True Love mo andyan lang sa tabi-tabi, nagtuturong magluto sayo.

9. Magpiga ng kalamansi sa nalutong pancit at kumain ka na. Gutom lang yan. (abot tinidor)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s