The long lost art of long hand written love letters.

The long lost art of long hand written love letters.
Words and Illustrations by: Patrick Enrique
FOR THE BLOG.jpg

Text, chat, post, tweet, at kung ano-ano pang makabagong pagpapahayag ng nararamdaman sa mga minamahal. Mabuti kahit papaano meron pa ring flowers, chocolates and dates, pero hindi yun ang topic.

Love letters and poems madalas copy paste nalang at pinapadala electronically. Wala na yung mga makukulay at mababangong papel.O kahit mga cards manlang, handmade man o hindi. Pag-lalaanan ng panahon para maisulat ang mga nilalaman ng puso hanggang dumating sa mga katagang – I Love You, gihigugma ta ka, kaluguran daka, ayayaten ka, ama yo contigo, inaro ta ka, iniibig kita o Mahal na mahal kita. Minsan nga may mga drawing pa ng mga puso, bulaklak at mga simpleng portrait ng kanilang pagbibigyan. Tila mahirap na magkaroon ng oras para dito. Papaano naman kasi, nasanay na ang karamihan sa pangarinawang text, meet, bigay flowers and chocolates at date(please press repeat para sa may mga number 2 and 3).

Long hand written love letters, marunong ka pa bang gumawa nito? Alam mo pa ba kung papaano umpisahang gawin ito? Mula sa pagpili ng tamang papel hanggang sa pagpili ng tamang panulat at sobre? Teka, may oras ka pa ba para gawin ang mga ‘to? O sadyang tinamad ka na. Dahil ba sa pupwede mo nalang namang i-text ang mga bagay na gusto mong sabihin sa mahal mo? Oo nga naman, mas madali kasing magtext kesa sa magsulat. Kung wala mang load, sa messenger, tutal malakas ka namang makigamit ng wifi ng kapitbahay n’yo.

Effort naman mga ‘tol, try mong lumabas ng bahay, dumerecho sa malapit na bilihan ng mga school supplies at mamili ng magandang papel. Or kahit putting malinis na papel, pwede na yan. Ibuhos mo ang laman ng puso mo patungo sa utak at palabas sa mga kamay. Huminga ng malalim from time to time at panatilihing maganda ang sulat. Huwag magkakamali nang sa ganun ay maiwasan ang pagbubura. Sabihin na ang lahat ng mga naipong matatamis na salita mula sa mga napanood mong mga love story movies, mga nabasang mga poems or quotes sa fb at sa mga narinig mong mga love songs na kadalasay punong-puno ng hugot. Ibuhos mo ang isang daang porsyento ng pinagsamang puso, laman loob at utak bago mo bitiwan ang mga katagang manghihiwalay ng kanyang ulirat sa kanyang katawan sa sobrang kilig.

– Mahal na mahal kita.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s