Umaasang Pancit Malabon

HUGOT Pansit.jpgHUGOT RECIPE

Pistang Pinoy

Di maitatanggi na masaya talaga ang Pista sa Pilipinas at ang unang-unang dinadayo talaga ng mga tao ay ang mga pagkain na inihahanda sa bawat bahay. Kaya naman tuwing Piyesta sa iba’t ibang bayan, ay matitikman mo ang mga kakaibang putahe na magpapakilala sa kanilang kultura. Isa dito ang sikat na putahe na ipinagmamalaki ng mga taga Malabon ang kanilang sariling bersyon ng Pancit. Halina at matuto sa pagluluto ng Pancit Malabon “with a twist” na hinaluan ng maraming sahog at sandamakmak na emosyon.

Umaasang Pancit Malabon
new cover photo.jpg

MGA SANGKAP

  • 1 lb noodles or Pancit Malabon Noodles
  • ½ lb karne ng baboy, pinakuluan at hiwain into cubes
  • ½ cup atsuete binabad sa ½ cup na tubig
  • ¾ cup katas ng hipon
  • 3 tablespoons patis
  • ½ teaspoon pamintang durog
  • 1 tablespoon bawang, minced
  • 1 medium-sized sibuyas, minced
  • ¼ cup chicharon durog
  • ½ lb luto at binalatang hipon, hiwain ng pahaba
  • ¼ lb adobong pusit, sliced
  • ½ cup chicharon durog
  • 1 cup repolyo o pechay baguio, chopped then blanched
  • 1 piece calamansi
  • ¾ cup tinapa flakes
  • 3 pirasong hard boiled na itlog, sliced
  • 1 tablespoon parsley, tinadtad
  • 2 tablespoons toasted na bawang

     

PARAAN NG PAGLULUTO
HGRES2.jpg

  1.  Lutuin ang noodles ng naayon sa instructions. Sundin ang instructions para di magkamali. Kagaya ng kamalian mong siya ang minahal mo at hindi ako. Kung ang noodles na gamit ay Pancit Malabon noodles kinakailangan itong ibabad overnight. Oo kailangan overnight, overnight lang ang taning mo sa pag-iyak at paglalasing mo sa pag-iwan niya sayo ha.
  2. Umpisahan mo ng gawin ang sauce at umpisahan mo na ring mag-move on. Mag-gisa ng bawang at sibuyas parang nung ginigisa mo siyang tanungin kung totoo mga hinala mo. Yung tipong magmamantika na siya sa mga tanong at rebelasyon mo.
  3. Idagdag ang hiniwa-hiwang karne, yan ang nadarama ko sa tuwing nakikita kong magkasama kayo parang hinihiwa ang puso ko. Pakuluan ng mga 3 minuto…yung ginisang karne ha huwag ang sarili. Kung gusto mo din syang pakuluan ng buhay ako na gagawa para sayo.
  4. Lagyan ng patis at paminta. Pag kulang pa sa alat dagdag mo na din luha mo maalat din yun. Pag wala ka namang makitang paminta try mo yung kapitbahay nyong instructor sa gym, paminta yun.
  5. Ihalo ang katas ng hipon at atsuete. Oo mukhang HIPON yung ex mo na patay na patay ka ewan ko ba sayo.
  6. Ilagay ang dinikdik na chicharon at haluin kagaya ng pagdikdik mo sa puso kong walang ibang ginawa kundi intindihin at mahalin ka.
  7. Pakuluan ng 2 to 3 minutes. Patayin ang apoy. Kung pwede ko nga lang din sanang pahupain ang apoy ng galit ko sayo dahil sa katangahan mo.
  8. Ilagay sa bowl o sisidlan ang lutong noodles at lagyan ng sauce. Ibudbud ang tinapa flakes, itlog, parsley, bawang at repolyo sa ibabaw. Damihan mo kase marami ka naman talagang options, wag kang tanga kase tumingin ka sa palagid mo malay mo yung True Love mo andyan lang sa tabi-tabi, nagtuturong magluto sayo.

  9. Magpiga ng kalamansi sa nalutong pancit at kumain ka na. Gutom lang yan. (abot tinidor)

Totoong kaakibat ng pag-ibig ay kabiguan kung ang iyong mahal ay nanlamig na sayo o nagmamahal ka at di nasuklian ang pag-ibig mo. Pero may kasabihan ngang… “If its meant to be, it will always find its way”. Kaya wag masyadong mag-senti darating din ang para sayo, kung hindi man, andyan naman ang mga kaibigan at pamilya mo na siguradong di ka iiwan pumuti man ang buhok mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s