Voicing out depression and suicidal thoughts.

Depression Header A&K
Voicing out depression and suicidal thoughts.

 

Depression, isang bagay na mahirap intindihin. Kadalasan hindi natin mawari kung ano talaga ang pinag-mumulan at kung bakit nakakaranas nito ang isang indibidwal. Delikado ang paksang ito sa mga nakakaranas nito sa kasalukuyan, dahil mabilis ang pag-lala nito na maaring humantong sa mga kaisipan para wakasan ang sariling buhay.

Para mas maintindihan ang paksang ito, minabuti kong kumausap ng dalawang indibidwal na meron nito, isang lalaki at isang babae, na itatago natin sa mga pangalang Sherwin, isang musikero at Ella, isang artist at writer. Layunin ng interview na ‘to na ma-educate tayo tungkol sa maselang paksang ito.


SHERWIN

A&K: Ano sa palagay mo mga cause, bakit nag-

kakaroon ng suicidal tendencies ang mga tao?

S: Dahil mahirap mabuhay ng ganito, ng may depression tapos laging may iniisip na may mangyayaring masama, base sa experience ko is dahil wala ako makitang way out, tinry ko mag medication, libang, makipag socialize sa mga kaibigan ko, even bisyo, pero na realize ko na lahat ng mga kasiyahan na na eexperience ko sa mga yun is temporary and after nun bumabalik ako sa dati, I thought and attempted suicide kasi wala ako makitang way out.

A&K: Papaano ka nagkaroon ng mga ganitong thoughts?

S: Pagnaiisip ko lang what couldve been kung andito at buhay pa ang ate ko. Simula noon di na ako naka get over. Tapos nung Grade11 ako nag-kasakit mga mahal ko sa buhay.

A&K: Nagkahalo-halo at naipon na lahat kaya naapektuhan ka ng matindi?

S: Oo, ayoko mag open up kasi iniisip ko mas madami naman sila napagdaanan kaya parang wala ako karapatan mag reklamo. Hanggang sa patagal na ng patagal tapos palala na ng palala.

A&K: Ok lang ba itanong kung anong una mong attempt or paano?

S: May baril tatay ko, nahawakan ko na pero ‘di ko nagawa kasi medyo takot pa ako nun.

A&K: Anong sunod na nangyari?

S: Isolation. “Di na ako masyadong gumagala. Pero pag-nagkikita kami ng mga kaibigan ko happy-happy pa ako kasi ayoko naman sila maging concerned sakin lagi.

A&K: Paano ka dumating sa point na, ayoko na, kelangan ko na ng tulong?

S: Nung sinusuka ko ung mga kinakain ko. At nung nakita ng mama ko mga kamay ko na puro laslas.

A&K: Paano mo naiiwasan ngayon ang pag-iisip at pag-attempt? And any advice or words na something sa mga tao about sa condition mo at sa mga nakakaranas din nito?

S: Nakikinig ng music. It’s never too late to ask for help.


ELLA

A&K: Ano sa palagay mo mga cause, bakit nagkakaroon ng suicidal tendencies ang mga tao?

S: Usually talaga unmanaged mental illness. Kasama doon yung hindi pag-seek ng professional help, walang support from friends or family, madaming triggers sa environment katulad ng pwedeng nawalan ng work, nakipagbreak sa bf/gf, namatayan sa family, nabully, narape, minsan kahit mga maliliit lang na bagay na nagpapatong-patong.

A&K: Dumating ka sa point na nakapag-isip ka or naisip mong i-consider mag-suicide?

S: Oo. Actually, yung suicidal ideations, part na siya ng everyday life ko talaga. ‘Di na nawawala. Pero most of the time hindi na strong yung urge to act on it. Hindi katulad noon.

A&K: Ok lang ba i-share mo kung paano nag-umpisa?

S: Kasi bata palang ako, may anxiety na ko talaga tsaka paranoia. Pero syempre hindi ko pa sya naiintindihan noon. Kasi akala ko normal lang sa lahat ng bata dumaan sa ganung phase. Nagmakes sense lang nung nagpapacheck na ko. Anyway, siguro 19 ako nung nagstart yung depression pero mild lang. Tapos every year, nawawala naman. So naisip ko baka normal naman. Hanggang sa lumala na nang lumala. ‘Di ko na nacontrol. Yun na yung nago-oversleep ako, mga 16-22hrs a day ako tulog. Tapos ayun na. Nagstart na noon ideations ko. Then nagpacheck ako sa doctor, binigyan ako ng anti-depressants. Pero hindi naging ok, instead 1year na lumala yung ideations ko. Nagstart na’ko magcut ng arms pati sa binti. Pero ayun, naisip ko magseek ng help sa ibang doctor. Mas ok na ngayon.

A&K: Ngayon, paano mo naiiwasan?

S: Iwas sa triggers, tamang tulog, inom ng meds, tamang kain, less stress. Mga ganun. Haha.

A&K: Any advice sa mga tao about dito?

S: Tingin ko mga importante talaga is ma-acknowledge mo na may problema and mag-seek ng professional help. Tsaka dapat i-prioritize pa din yung self-care. Kung feeling mo burnt out ka na, magrest ka. Hindi kailangan may special ka gawin. Basta try to give yourself a rest. Tapos importante din yung self awareness kasi para ma-identify mo triggers and malaman mo paano gagawin mo sa situation na yun. Usually naman, ‘di talaga nacu-cure. Pero habang tumatagal, mas natututunan mo na paano iha-handle.

#Depression
#SuicidePrevention
#SuicidalThoughts
WooCommerce

 


suicide-prevention-lifeline

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s