Naipit na ugat? Narito ang dapat mong gawin!
Isang araw, naramdaman ni Johanna Ramos, 54, na may sumakit sa kanyang batok. Maya-maya ay dumaloy ang sakit pababa sa kaliwa niyang braso. Agad na pumunta si Johanna sa emergency room ng isang kilalang ospital sa Alabang. Kinakabahan kasi siya baka atake na ito sa puso.
Sa ospital, pina-ECG siya upang suriin ang kanyang kalagayan. Pagbalik ng kanyang resulta, normal ito at wala siyang problema sa puso. “Naipit ang ugat mo sa leeg,” wika ng doktor.
Natuwa si Johanna dahil wala pala siyang problema sa puso—ngunit sa kabilang dako ay nahirapan din siya, dahil sa patuloy niyang iniindang sakit. Marami siyang sinubukan na paraan upang mapawi lamang ang sakit. Nagpunta siya sa chiropractor at sumubok din ng myotherapy. Bahagyang nabawasan ang nararamdaman niyang sakit, pero patuloy pa rin siyang binabagabag nito.
Makalipas ang apat na taon, patuloy pa din na naghahanap…
View original post 672 more words